Umaarangkada na muli ang mga micro-businesses sa Casiguran, Aurora simula nang magbukas ang BDO Network Bank branch sa lugar noong November 2022.
Matatandaang matapos ang epekto ng pandemya, ang Super Typhoon Karding naman ang tumama sa lalawigan ng Aurora noong nakaraang taon. Malaking pinsala ang iniwan ng bagyo sa buong probinsya, lalo na sa bayan ng Casiguran na isang coastal municipality. Bumuhos ang suporta mula sa pamahalaan at pribadong sektor, kabilang na ang BDO Network Bank, ang community bank ng BDO, na tumugon sa financial needs ng mga naapektuhang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sa interview ng programang Ano Sa Palagay N’yo (ASPN) sa Net 25, kinuwento ni BDO Network Bank president (BDONB) Jesus Antonio “Tonet” S. Itchon kung paano nakatulong ang BDONB Kabuhayan Loan o MSME loan sa micro-entrepreneurs para muli silang makabangon.
Sa isang interview kay BDO Network Bank president Jesus Antonio S. Itchon, sinabi nito na malaki ang role ng community bank sa pagbangon ng MSMEs sa Casiguran.
Bukod sa access to additional funding, nakatulong din sa MSMEs ang pagkakaroon ng BDONB Savings Account/Current Account para makaipon at masiguradong safe ang kanilang kita buwan-buwan. Malaking ginhawa din sa mga negosyante ang easily accessible cash para sa pang-araw-araw na operating expenses gaya ng pambayad sa renta, utilities, at maging pang-sweldo sa mga tauhan.
Paliwanag ni Itchon, ang BDO Network Bank ay nagbubukas ng mga branches sa malalayong bayan gaya ng Casiguran para maabot at mabigyan ng access sa tamang financial products ang mga komunidad na higit na nangangailangan nito.
Ang BDO Network Bank Kabuhayan Loan o MSME loan ang sagot sa mga negosyanteng nangangailangan ng ekstrang pondo para maibangon at mapalago ang kanilang negosyo.
Mula P30,000 hanggang P500,000 ang maaaring hiramin ng isang MSME nang walang collateral. Magaan din ang payment options dahil makakapili ang borrower mula 12 hanggang 24 monthly installment terms.
CASIGURAN, AURORA. Masigla na muli ang tindahan ni Mercedita Morillo, BDO Network Bank Kabuhayan Loan borrower at sari-sari store owner, matapos maapektuhan ng pandemya at bagyong Karding. Malaking tulong ang pondong nakuha n’ya para madagdagan ang imbentaryo at maipagpatuloy ang negosyo.
Para malaman ang iba pang detalye kung paano mag-apply ng Kabuhayan Loan, pumunta sa pinakamalapit na BDO Network Bank branch sa inyong lugar, bumisita sa BDO Network Bank website (https://www.bdonetworkbank.com.ph), o kaya’y mag-direct message sa BDO Network Bank Official Facebook Page. (https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH).
Mrs.Enero – Angel Enero is a former IT System Administrator and now a full-time SAHM to her #littleEneros. She’s a domesticated / hands-on mom who loves baking and gardening.
MRSENERODIARIES blog is an online diary of Angel Enero. Formerly a travel blogger and now a lifestyle mommy blogger. Blogging about EAT. PRAY. LOVE. TRAVEL.
malaking tulong talaga ang handog na ito ng BDO upang makabangon ang ating mga kababayan at makahiram ng pondo para sa hanapbuhay.