Alam niyo ba na marami mga Pinoy ang hindi nakasanayan ang pag-iipon sa bangko? Karamihan parin sa atin ay nagdadalawang-isip na pumasok sa bangko sa paniniwalang maraming requirements at mataas ang initial deposit. Habang ang iba naman ay kuntento nang nakatago sa bahay ang kanilang ipon na pera para “easy access” kapag may biglaang gastusin. Pero, ayon sa mga eksperto, mas mabuti na nasa bangko ang perang naipon para iwas sa “risk” o panganib na mawala o manakaw ito. Ang dapat lamang gawin ay bisitahin ang bangko at mag-open ng account.

Limang benepisyo ng pagkakaroon ng account sa bangko :

  • Convenience – Dahil sa technology ng bangko, maaari na magpadala ng pera nang hindi na kinakailangan lumabas ng bahay. At kung ang account ay may kasamang ATM card, pwede na rin itong gamitin pambayad ng mga bilihin basta’t may point of sale (POS) terminal.
  • Ligtas ang ipon – Ang perang nasa bangko ay protektado mula sa nakaw, trahedya at kalamidad. Dagdag pa rito, ang perang nakadeposito sa bangko ay “insured” kaya anuman ang mangyari, tiyak na maibabalik ang perang naipon.
  • Paraan para madagdagan ang ipon – Dahil ang bangko ay nagbibigay ng interest o tubo sa nakadepositong pera, puwedeng mapalago ang ipon overtime.
  • Access sa credit o loan – Ang bangko ay nagbibigay ng access sa mga depositors para makapag-loan pampatayo ng bahay, makabili ng sasakyan, o kaya’y dagdag pondo para sa negosyo. 
  • Recorded lahat ng transactions – May record ang lahat ng transactions kapag may bank account. Dahil dito, mas madaling makontrol ang pag gastos. Mahihiwalay ang pera na panggastos at pera na pang emergency fund, o kaya ang pera na iniipon para sa isang mahalagang bagay.

“Para sa maraming Pilipino, kakaiba at bago pa rin ang karanasan ng pagkakaroon ng savings account,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, presidente ng BDONB. “Kaya ang priority namin sa BDONB ay dalhin sa mga malalayo at liblib na lugar ang banking services para sila ay mapagsilbihan at ma-experience ang benepisyo ng pagkakaroon ng account sa bangko.”

Para sa dagdag kaalaman sa ibang benefits ng pagkakaroon ng account, bumisita at magtanong sa pinakamalapit na BDO Unibank o BDONB branch sa inyong bayan. 

Pin It on Pinterest

Share This