Knowledge Channel Shows ay nasa Facebook LIVE na!

Sep 30, 2020 | #MrsEneroFinds, #PressRelease, LOVE!

May good news daddies at mommies! Patuloy ang pag-aaral online ng mga bata dahil nasa official Facebook page na ng Knowledge Channel ang mga kilalang educational shows nito.  Mula Lunes hanggang Huwebes, mapapanood ng mga batang nasa grades 1 to 10 ang mga lessons sa subjects na Math, English, Social Studies, at Science.   

KNOWLEDGE CHANNEL STREAMS SHOWS ON FACEBOOK LIVE

Samahan si Ate Michelle tuwing Lunes sa pag-aaral ng pag-babasa sa pamamagitan ng interactive storytelling at arts and crafts activities sa “Wikaharian Online World,” 1 PM. 

Matutunan naman ang science sa pamamagitan ng simpleng home experiments na turo ng Pinay astrophysicist at cool scientist na si Dr. Reina Reyes sa “Science Says Live,” tuwing Martes, 4 PM. 

Para naman sa masayang pag-aaral ng Math, panoorin si Kuya Robi Domingo sa kanyang pagbabalik bilang math teacher sa “MathDali,” tuwing Miyerkules, 4 PM. 

Sundan si Kuya Kim sa kanyang bagong teaching job—ang pagiging quizmaster ng “Knowledge on the Go,” kung saan samu’t saring kaalaman ang matututunan tuwing Huwebes, 12:30 PM. 

Educational YouTube Shows now airing on Knowledge Channel

Samantala, mapapanood na sa Knowledge Channel sa TV ang mga sinusundang educational shows ng mga bata sa YouTube. 

Kasama dito ang “Teacher Celine,” na tugkol sa alphabet at numbers, “Pambata TV,” na naghahatid ng Pinoy values, “Team Lyqa,” na nagtuturo naman ng English and Filipino, “Sir Ian’s Class,” isang masayang programang pang-social studies, at “Pinoy Online Class” at “Number Bender,” na pareho namang nagtuturo ng math.  

Puntahan lamang ang Knowledge Channel website na knowledgechannel.org, ang Facebook page at YouTube channel nito, ang iWant o panoorin ito sa SKYcable Channel 5 at GSat Channel 45.   

6 Comments

  1. Antoniette Sanchez David

    Ang ganda ng channel na to para sa mga kids natin daming learning at lesson na mumukaha at angkop talaga sa kanila to..

    Reply
  2. Michelle Vargas

    wow tiyak na magugustuhan ng mga kids to lalo na ang anak ko

    Reply
    • Graz Covz Guyle

      This is brilliant! It’s a great idea na maisipan po nila na gawin to para mas mapa lapit sa mga audience na mga kabataan.

      Reply
  3. Graz Covz Guyle

    Wow! Ang galing! This is a good brand of apparels! ❤️ ❤️ ❤️ Great deals!

    Reply
  4. Lyka (mitra) Baqueros

    Nasa facebook na rin po pala sila.. mas maraming makakapanood dahil halos lahat po ay nasa online na po kaya goodnews po ito..

    Reply
  5. Manilyn Inciso Dacut

    Woww…favorite namin yung kay Teacher Celine…

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

About Me

Hello, I am Mrs. Enero! I am a happy wife & mom of Eliana and Enver. Follow our family adventures, here on my online diary : EAT! PRAY! LOVE! TRAVEL! #mrsEnerodiaries and #EnerosOnTheRoad

Categories

Archives

Pin It on Pinterest

Share This