May good news daddies at mommies! Patuloy ang pag-aaral online ng mga bata dahil nasa official Facebook page na ng Knowledge Channel ang mga kilalang educational shows nito. Mula Lunes hanggang Huwebes, mapapanood ng mga batang nasa grades 1 to 10 ang mga lessons sa subjects na Math, English, Social Studies, at Science.
Samahan si Ate Michelle tuwing Lunes sa pag-aaral ng pag-babasa sa pamamagitan ng interactive storytelling at arts and crafts activities sa “Wikaharian Online World,” 1 PM.
Matutunan naman ang science sa pamamagitan ng simpleng home experiments na turo ng Pinay astrophysicist at cool scientist na si Dr. Reina Reyes sa “Science Says Live,” tuwing Martes, 4 PM.
Para naman sa masayang pag-aaral ng Math, panoorin si Kuya Robi Domingo sa kanyang pagbabalik bilang math teacher sa “MathDali,” tuwing Miyerkules, 4 PM.
Sundan si Kuya Kim sa kanyang bagong teaching job—ang pagiging quizmaster ng “Knowledge on the Go,” kung saan samu’t saring kaalaman ang matututunan tuwing Huwebes, 12:30 PM.
Samantala, mapapanood na sa Knowledge Channel sa TV ang mga sinusundang educational shows ng mga bata sa YouTube.
Kasama dito ang “Teacher Celine,” na tugkol sa alphabet at numbers, “Pambata TV,” na naghahatid ng Pinoy values, “Team Lyqa,” na nagtuturo naman ng English and Filipino, “Sir Ian’s Class,” isang masayang programang pang-social studies, at “Pinoy Online Class” at “Number Bender,” na pareho namang nagtuturo ng math.
Puntahan lamang ang Knowledge Channel website na knowledgechannel.org, ang Facebook page at YouTube channel nito, ang iWant o panoorin ito sa SKYcable Channel 5 at GSat Channel 45.
Mrs.Enero – Angel Enero is a former IT System Administrator and now a full-time SAHM to her #littleEneros. She’s a domesticated / hands-on mom who loves baking and gardening.
MRSENERODIARIES blog is an online diary of Angel Enero. Formerly a travel blogger and now a lifestyle mommy blogger. Blogging about EAT. PRAY. LOVE. TRAVEL.
Ang ganda ng channel na to para sa mga kids natin daming learning at lesson na mumukaha at angkop talaga sa kanila to..
wow tiyak na magugustuhan ng mga kids to lalo na ang anak ko
This is brilliant! It’s a great idea na maisipan po nila na gawin to para mas mapa lapit sa mga audience na mga kabataan.
Wow! Ang galing! This is a good brand of apparels! ❤️ ❤️ ❤️ Great deals!
Nasa facebook na rin po pala sila.. mas maraming makakapanood dahil halos lahat po ay nasa online na po kaya goodnews po ito..
Woww…favorite namin yung kay Teacher Celine…